Buntis na pulis na tinamaan ng COVID-19, namatay

by Erika Endraca | October 20, 2021 (Wednesday) | 2614

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa naiwang pamilya ng babaeng pulis na naka assigned sa Central Luzon na binawian ng buhay nitong October 17 dahil sa Acute Respiratory Syndrome secondary to Covid-19.

Base sa Medical Records dinala ang pulis sa hospital sa Baler, Aurora dahil sa iniinda nitong hirap sa pag-hinga nitong October 8. Sa isinagawang laboratory test ay lumabas sa resulta na nag positibo ito sa Covid-19

Inilipat ng hospital sa Nueva Ecija ang babaeng pulis noong October 10 at nagsagawa ng Emergency Caesarian Operation at isinilang ang isang lalaking sanggol na kinalaunan ay binawian ng buhay sa mismong araw na iyon at nitong October 17 ay dineklara ng kaniyang attending physician na binawian na ng buhay ang pulis.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: ,