Bulton bridge 2 sa Davao City, bukas na sa mga motorista

by Radyo La Verdad | January 27, 2022 (Thursday) | 181

METRO MANILA – Binuksan na sa mga motorista ang Bulton Bridge 2 sa Quimpo Boulevard, Davao City nitong January 19, 2022 ngunit para lamang sa mga magagaan na sasakyan o ang mga sasakyan na may timbang 6 na tonelada pababa.

Ito’y matapos ang nangyaring malaking sunog sa ilalim ng nasabing tulay nitong January 15, 2022 kung saan aabot sa 24 na mga bahay ang nasunog habang 2 naman ang bahagyang nasira.

Sa panayam kay Department of Public Works and Highways (DPWH) XI Spokesperson Dean Ortiz, sinabi nitong naikunsulta na ito sa mga structural engineer at natingnan na rin ang integridad ng Bridge 2.

Nabigyan na rin ng abiso ang City Transportation and Traffic Management Office (CTTMO) sa pagbubukas ng naturang tulay.

Una nang sinabi ni CTTMO Chief Dionisio Abude na magpapatupad ng 2-way traffic sa Bridge 2 para sa mga magagaang sasakyan.

(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)