Buenavista, Bohol, niyanig ng 4.7 magnitude na lindol

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 1199
Source: PHIVOLCS

Source: PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Bohol at mga karatig na isla kaninang 9:47 ng umaga.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig sa layong walong kilometro timog-silangan ng Buenavista, Bohol at may lalim na tatlong kilometro.

Kaugnay nito, Nadama ang Intensity 5 sa San Miguel, Bohol, Intensity 4 sa Lapu-Lapu City, Buenavista, Bohol, Intensity 3 sa Iloilo City; Bogo City, Cebu; Tagbilaran City; Bacolod City at
Intensity 1 sa Pres. Roxas, Capiz.