BSP, magbubukas ngayong araw para sa mga magpapapalit ng lumang pera

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 1784

Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na magbubukas sila ng kanilang opisina sa Maynila, Quezon City at iba pang regional branch ngayong araw sa kabila ng work suspension sa mga government offices.

Layon nito na i-accommodate ang mga nais na ipapalit ang kanilang mga lumang pera na mawawalan na ng halaga sa December 29, 2017.

Mula alas otso y media ng umaga hanggang alas otso ng tanghali ay bubuksan ng BSP ang kanilang Cash Department.

Dapat ay noong December 2016 pa na demonetize ang mga lumang pera na naimprenta noong mahigit dalawampung taon na ang nakakaraan.

Ngunit apat na beses itong ipinagpaliban upang mapagbigyan ang hiling ng publiko.

Tags: , ,