British Andy Murray, wagi vs. Italian Andreas Seppi sa China open

by Radyo La Verdad | October 5, 2016 (Wednesday) | 624
Andy Murray(REUTERS)

Andy Murray(REUTERS)

Panalo ang simula ng kampanya ni Andy Murray sa China open laban kay Andreas Seppi ng Italy 6-2,7-5 kahapon.

Dalawang beses na-break ang service ng British top seed sa opening set pero nakabalik mula sa 2-0 na paghahabol sa second set.

Naselyuhan ni Murray ang panalo ng ma-double fault si Seppi.

Inaabangan pa ni Murray ang kanyang makakalaban sa susunod na round alinman sa mga Russian na sina Konstantin Kravchuk at Andrey Kuznetsov.

Tags: , ,