Muling pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Junior na makalabas ng kanyang detention cell para bumisita sa kanyang ama na kasalukuyang nasa ospital.
Naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ang ama ng senador dahil sa sakit sa bato.
Sa inilabas na resolusyon ng anti-graft court, ngayong araw maaaring lumabas si Revilla pati na sa December-31 at January 1, mula alas-dos ng hapon hanggang alas otso ng gabi.
Gayunman, hindi siya maaaring gumamit ng anumang klase ng electronic gadgets at hindi rin papayagang magpa- interview sa media.
Tags: Bong Revilla, muling pinayagan ng Sandiganbayan na dumalaw sa amang may sakit