BOC, nagpaalala na piliing mabuti ang freight firms sa pagpapadala ng balik bayan boxes

by Radyo La Verdad | January 26, 2024 (Friday) | 14233

METRO MANILA – Nagpaalala ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Pilipino sa ibang bansa na piliing mabuti ang freight forwarding firms sa pagpapadala ng balikbayan box sa kanilang pamilya sa bansa.

Sa social media post, sinabi ng BOC na dapat piliin ng mga customer ang mga reputable forwarding company na accredited ng Department of Trade and Industry (DTI) para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga balikbayan box.

Ito ay matapos ang mga report na natanggap ng ahensya tungkol sa mga kaso ng abandonadong balikbayan boxes.

Sa kabuoan, nasa 15 na ang foreign at local forwarders o consolidators ang may mga kaso ng abandoned balikbayan boxes.

Ito ay ang kabayan Island Express Cargo, GM Multi Services Cargo, Allwin Cargo LLC, Sel Air Cargo, Manila Cargo, Sky Freight, Mediacom Express Cargo, CMS General Services, Pinoy Network Cargo WLL FZC LLC.

Habang ang mga local forwarders o deconsolidators na may kaso ng inabandonang padala ay ang FBV Forwarders and Logistics Inc.,, Etmar International Logistics, Cargoflex Haulers Corp., KC door to door delivery services, Rensworld Freight Logistics Corp., FGTI Forwarding Services, CMG International Movers.

Hinimok din ng BOC ang publiko na makipagugnayan sa ahensya kung may alalahanin o may karagdagang impormasyon sa kanila, sa pamamagitan ng Bureau of Customs – Customer Assistance and Response Service o BOC-Cares sa pamamagitan ng hotline number (02) 8705-6000 o sa pamamagitan ng email sa boc.cares@customs .gov.ph.

Tags: ,