BOC Cebu, nagbabala laban sa smuggling sa lalawigan

by Radyo La Verdad | August 27, 2018 (Monday) | 9724

Tuloy-tuloy ang pagsugpo ng Bureau of Customs (BOC) sa mga grupong nagpupuslit ng mga iligal na kontrabandso sa bansa.

Ito ang muling tiniyak ng ahensya kasunod ng pagkakasabat sa nasa limang libong kilo ng misdeclared na sibuyas at mansanas sa Cebu kamakailan.

Ang mga nabubulok nang sibuyas at mansanas na tinatayang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso ay sinunog ng BOC noong Biyernes.

Ayon sa ahensya, hindi ito maaaring i-auction o mapakinabangan dahil nabubulok na at maaaring magdulot ng health hazards.

Ang mga ito na mula sa bansang Tsina at tinatayang mag-aapat na buwan na sa Cebu ngunit inaabandona ng pinadalhan matapos malaman ng BOC na misdeclared.

Sinasabing idineklara itong prutas lamang ngunit nang inspekyunin ito ay mayroong maraming malalaking sibuyas.

Ayon sa BOC, kadalasanan sa mga iniimport na prutas ay idinideklarang mansanas upang walang buwis na babayaran.

 

( Gladys Toabi / UNTV Correspondent )

Tags: , ,