Mas pinabubuti pa ng pamahalaan ng Singapore ang serbisyo ng transport system para mabigyan ng mas mabuting serbisyo ang mga mamamayan.
Nag-update ang operator ng Singapore Mass Rapid Transit o SMRT ng kanilang smart connect app upang isama na rin ang lahat ng serbisyo ng bus.
Mas makatitiyak na ngayon na realtime nga ang oras ng pagdating tren. Maari ring ma-access ang service sa pamamagitan ng pag-tap ng train coin sa istasyon.
Ang app na ito ay nakalink sa pinakamahusay na train signaling system. Makikita rin sa app kung saang lugar na naroon ang tren. Kung sakaling maghahabol ng oras, makikita din sa app kung anong bus ang pwede na hindi crowded.
Plano naman ng SMRT na magbigay ng electronic slips sa pamamagitan ng smart app bilang katunayan ng iyong paglalakbay.
METRO MANILA – Nakatakdang umalis uli ngayong Linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay para dumalo sa 10th Asian Conference sa Singapore.
Kabilang sa inaasahang matatalakay sa pulong ang peace and stability, inequality, cultural diffrences at ang lumalalang environmental damages.
Aattend rin ang pangulo sa Formula One Singapore Grand Prix 2023 sa imbitasyon ni Prime Minister Lee Hsien Long.
Kasama rin sa schedule ng pangulo ang pakikipagpulong sa ilang business leaders.
Tags: 10th Asian Conference, PH, Singapore
METRO MANILA – Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na dumalo siya Formula 1 o F1 racing sa Singapore nitong weekend.
Sa isang facebook post, inilarawan ito ng pangulo na isang produktibong weekend at tinawag na ‘The best way to ramp up business.’
Ayon sa pangulo inimbitahan siya sa F1 racing kasama ng iba pang dignitaries, na aniya’y nagpahayag ng kahandaan na mamuhunan sa Pilipinas.
Dagdag pa nito, magbibigay siya ng karagdagang detalye kaugnay sa kanyang pagdalo sa nasabing racing.
Ang pahayag ng pangulo ay matapos kumpirmahin ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na nagtungo siya sa Singapore.
Nauna na ring nilinaw ni House Minority Leader Mannix Dalipe, na ang Singapore government ang nag-imbita sa pangulo.
Umani ng batikos si Pangulong Marcos matapos kumalat sa social media ang mga litrato ng kanyang pagdalo sa F1 Grand Prix.
Pero ayon kay Dalipe, malaki ang papel ni Pangulong Marcos sa Southeast Asia at hindi masama kung pinaunlakan nito ang imbitasyon ng pamahalaan ng Singapore.
Tags: F1 Grand Prix, PBBM, Singapore
Nagpaabot ng pagbati ang Singaporean Ambassador sa pagkapanalo ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sa pagbisita ni Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho kay Marcos Jr. nitong Lunes (May 30) natalakay ang ukol sa matagal ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at tungkol sa ekonomiya.
Ayon kay Ho umaasa sila sa lalong pagpapatatag sa economic relationship ng Pilipinas at Singapore sa ilalim ng Marcos admin.
“I think with the resumption of cross border travel as well as the message of significant economic reforms in the Philippines, the current administration we are hopeful that we grow this bilateral economic relationship in the Philippines,” pahayag ni Amb. Gerard Ho, Singapore Ambassor to the Philippines.
Kinumpirma rin ni Ho ang imbitasyon ng Singapore kay Marcos Jr. para sa isang state visit.
Bumisita rin kay President-elect si United Kingdom Ambassador to the Philippines Laure Beaufils. Ayon sa UK Ambassador kabilang sa kanilang napagusapan ni Marcos Jr. ang ukol sa ekonomiya, imprastraktura, energy, climate change at peace process.
Handa rin ang UK na tumulong sa pagpapatupad ng rule of law sa West Philippine Sea.
Personal ring nagpaabot ng pagbati ang Ambassadors mula sa France at European Union ngunit hindi na sila nagpaunlak pa ng panayam sa media.
Samantala sa panayam sa programang Politiskoop, ipinaliwanag ni Retired Political Science Professor Clarita Carlos na layon lamang ng courtesy calls na i-renew ang magandang pakikipag-relasyon sa Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato.
Ayon pa kay Professor Carlos, hindi pa rito matatalakay ang detalye sa mga bagong estratehiya ukol sa foreign policy at mangyayari lamang ito kapag ganap nang nakaupo bilang Pangulo si Marcos.
“I think it’s really about renewing the friendship with India, with Europe, with Germany, and China etc. like that, wala pa syang mga policy discussion kasi ‘yan ay mangyayari in another venue and kapag nakaupo na si President sa June 30, and you are correct the Secretary of Foreign Affairs I am there, I will not articulate policies and ang gagawa ng foreign policies the chief architech is President Bongbong Marcos,” pahayag ni Prof. Clarita Carlos.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Bongbong Marcos Jr., Gerard Ho, Singapore