Muling naantala ang biyahe ng MRT-3 dakong alas otso kaninang umaga sa Guadalupe station southbound lane.
Sa abiso ng MRT management ay nagkaroon ng electrical failure sa motor ng tren kaya nagka-aberya ang operasyon.
Tinatayang mahigit sa walong daang pasahero ang pinababa dahil sa aberya.
Naisakay ang mga ito sa kasunod na tren na dumating makalipas ang limang minuto.
Tags: aberya, Guadalupe station, MRT