Biyahe ng mga sasakyan patungong Northern Luzon, mapapabilis na dahil sa integration ng NLEX at SCTEX

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 1558

NLEX
Simula sa ikalawang quarter ng taong 2016 ay pagiisahin na ang North Luzon Expressway o NLEX at Subic Clark Tarlac Expressway o SCTEX upang mas mapabilis ang biyahe ng mga motorista papunta sa mga probinsya sa North Luzon.

Ayon sa Manila North Tollways Corporation, sisiimulan ito sa pamamagitan ng pagaalis ng Dau toll plaza kasabay na rin ng turn over ng bases conversion and development authority ng SCTEX sa MNTC.

Mawawala na ang mahabang pila ng mga sasakyan sa dau toll plaza kapag naalis na ang mga toll booth

Sa ngayon, lima ang stop sa mga toll kapag pupunta ng Subic at 4 na naman patungong Tarlac at sa gagawing integration ay magkakaroon na lamang ng 2 stops.

Kapag na ipatupad na ang integration ng NLEX at SCTEX, aalisin na ito ng DAU toll plaza, at magiging mas mabilis na ang pagbyahe kung dati inaabot ng dalawang oras mula Balintawak hanggang Tarlac, ngayon aabutin na lamang ng one hour and ten minutes.

Uumpisahan na rin ng MNTC ang improvement sa SCTEX na dinadaanan ng may 35 thousand na mga sasakyan araw-araw

Ngayong taon, uumpisahan na rin ng MNTC ang pag aaspalto sa SCTEX natatagal ng tatlong taon.

Tuwing tag-init lamang isasagawa ang pag-aaspalto sa expressway.

Kapag matapos sa 2018 ang pag aaspalto, mas magiging maginhawa at mabilis ang biyahe ng patungong norte.

Mag lalagay rin ng mga closed circuit television camera sa kahabaan ng SCTEX upang mas mabilis na maka responde ang mga rescuer kung may aksidente

nilinaw naman ng MNTC na walang magiging pagtaas sa singil sa toll at mananatili itong 218 pesos

sa ngayon ay may pending na request ang MNTC sa Toll Regulatory Board para sa toll hike ngayon taon subalit hindi pa ito pinapayagan.

Sa ilalim ng SCTEX agreement, ang MNTC ang responsable sa pangangalaga sa expressway at sa toll collection, traffic safety at sa seguridad magingang maintenance sa mga pasilidad kabilang na ang landscaping, public relation at marketing.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,