Biyahe ng eroplano papuntang Masbate at pabalik, kanselado dahil sa sama ng panahon

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 6698

Kanselado ang biyahe ng PAL Express ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kanselado ang biyahe ng PAL Express 2P 2021 at 2022 Manila to Masbate at pabalik. Bunsod ito ng masamang panahon na nararanasan ngayon sa Masbate dulot ng low-pressure area.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Samantala, dahil pa rin sa LPA ay kanselado na ang klase all levels sa Camarines Sur sa Bicol at pre school to senior high school naman sa Naga City.

 

Tags: , ,