BIR, naglabas ng revised witholding tax table kaugnay ng panibagong tax reform law ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | January 4, 2018 (Thursday) | 9301

Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, exempted na sa pagbabayad ng income tax ang lahat ng sumasahod ng 20,833 pababa kada buwan o 250 thousand pesos kada taon. Kaugnay ng bagong batas sa pagbubuwis, naglabas ng revised witholding tax table ang Bureau of Internal Revenue.

May apat na modes of payment sa pagitan ng employer at kanilang empleyado, ang daily o arawan, weekly o lingguhan, semi monthly o kada kinsenas at katapusan ng buwan at monthly o buwanan.

Para sa mga hindi exempted tulad ng isang manggagawang kumikita ng 25 thousand pesos a month, 3, 333 pesos na tax kada cut off ang mababawas sa kaniyang sahod kada a kinse at a-trenta.

Pero paglilinaw ng BIR sa darating na April 15 ang lumang batas pa sa pagbubuwis ang pagbabatayan sa pagsusumite ng income tax return. Uploaded na ang revised withholding tax table sa website ng ahensya na BIR, DOT, GOV dot ph.

Magsasagawa naman ng public consultation ang BIR sa January 11 at 12 upang maipaliwanag ang bagong batas sa mga taxpayers.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,