BIR, naghain ng panibagong reklamo laban sa aktor na si Richard Gutierrez

by Radyo La Verdad | August 17, 2017 (Thursday) | 8040

Naghain ng panibagong reklamo ang Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice laban sa aktor na si Richard Gutierrez.

Bukod sa tax evasion complaint, inaakusahan ng BIR si Gutierrez ng pamemeke ng kanyang income tax at value added tax returns kaya’t sinampahan ito ng falsification at perjury.

Ayon sa BIR, inilakip ng aktor ang mga pekeng dokumento sa kanyang kontra-salaysay bilang sagot sa demandang tax evasion laban sa kanya.

Wala pang pahayag tungkol dito si Gutierrez na hinahabol ng BIR sa 38.5-million pesos na buwis para sa taong 2012.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,