BIR, mas pinadali ang proseso ng pagbabayad ng buwis

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 2726

BIR
Mas pinadali na ng Bureau of Internal Revenue o B-I-R ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng paglulunsad ng e-filing system.

Dito ay maari nang mag-file at magbayad ng buwis bago sumapit ang deadline sa Abril, kahit nasa bahay lamang sa pamamagitan ng computer at internet.

Layon nitong mahikayat ang mas maraming pilipino na magbayad ng buwis upang maabot ng B-I-R ang target nitong mahigit dalawang trilyong tax collection ngayong taon.

Tags: , , ,

BIR nagpaalala sa deadline ng Annual Income Tax Return ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 15, 2024 (Monday) | 8873

METRO MANILA – Ngayon ang huling araw ng filing at pagbabayad ng annual Income Tax Return (ITR) ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang mga hindi aabot sa deadline ngayong araw (April 15) ay magkaroon ng penalty ayon sa BIR at ito ay ang surcharge, interest at compromise.

Ang surcharge ay 25% na ipapataw sa tax due ng ITRs kasunod ay ang interest na 12%  per annum o 1% kada buwan na idadagdag.

Lalong tataas ang interest rate na babayaran kung hindi agad masettle ang ITRs sa pinaka maagang araw matapos ang deadline.

Inaasahan naman ng BIR na makalikom ng mahigit P400-B ngayong buwan at binigyang diin na ang ITR filing ay hindi na ieextend matapos ang araw na ito, April 15.

Nauna nang sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang tax campaign ng ahensya ay nagsimula noong Pebrero pa.

Kaya inaasahang sapat na panahon ang mga nagbabayad ng buwis para maihanda ang mga kailangan at masettle na ang kanilang ITR.

Sa mga hahabol ngayong araw (April 15), maaaring hindi pumila nang mahaba at bumyahe pa dahil ang pagfa-file ay pwede nang gawin online sa pamamagitan ng E-BIR forms sa website ng BIR.

Antayin lang ang confirmation at considered as filed na rin ito ayon sa ahensya. Maging ang pagbayad ay maaari na rin sa mga online paying platforms.

Tags: ,

BIR, iginiit na hanggang April 15 lang ang deadline ng filing ng annual ITR

by Radyo La Verdad | April 8, 2024 (Monday) | 8871

METRO MANILA – Iginiit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hanggang April 15 lang ang deadline ng filling ng annual Income Tax Return (ITR).

Muling nagpaalala ang BIR na mas makabubuti sa taxpayers kung mag-sumite ng ITR nang mas maaga bago pa ang deadline upang makaiwas sa mahabang pila sa kanilang mga opisina at maging sa mga bangko, lalo pa ngayon na nararanasan ang matinding init ng panahon.

Binalaan din ng ahensya ang mga taxpayer na mahaharap sa kaukulang penalty ang mga hindi makakapag-file ng annual ITR hanggang sa itinakdang deadline.

Tags: ,

BIR, inanunsyo ang 20 na karagdagang gamot na VAT exempt

by Radyo La Verdad | March 11, 2024 (Monday) | 10440

METRO MANILA – Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 20 karagdagang mga gamot na exempted sa Value Added Tax (VAT).

Partikular na rito ang mga gamot na para sa cancer, hypertension at mental illness.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang mga nabanggit na gamot ay kasama sa VAT-exempt drugs and medicines batay sa section 109 (AA) ng National Internal Revenue Code of 1997, na binago ng Train law at Create act.

Inihayag ng BIR na asahan ang patuloy na pagtulong ng ahensya para maibsan ang gastos ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, para sa kanilang mga kinakailangang gamot.

Tags: , ,

More News