Bilang ng pulis na napatunayang gumagamit ng iligal na droga, umakyat na sa 349 – PNP Crime Lab

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 4895

Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, patuloy namang nadadagdagan ang pulis na gumagamit ng shabu.

Sa pinakahuling tala ng PNP Crime Laboratory, umakyat na sa 349 ang nagpositibo sa shabu mula Enero 2016 hanggang Setyembre 2018.

Ayon kay PNP Crime Laboratory Director PCSupt. Rolando Hinanay, Police Officer 1 ang pinakamaraming napatunayang gumagamit ng iligal na droga habang police superintendent naman ang pinakamataas na ranggo.

Sinabi pa ni Hinanay na pinakamaraming nagpositibo sa iligal na droga sa National Capital Region (NCR), sinundan naman ng Calabarzon Region at Zamboanga Peninsula.

Wala namang pulis ang naitalang adik sa Cordillera Administrative Region (CAR).

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,