Bilang ng mga naputukan sa Jose B Lingad Hospital sa Pampanga, umabot na sa labing anim

by Radyo La Verdad | January 1, 2017 (Sunday) | 1724

leslie_naputukan
Ilang minuto lamang matapos ang pagpapalit ng taon ay sunod-sunod na ang pagdating ng ating mga Kabalen dito sa Jose B Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City, Pampanga.

As of 2am, nasa labing anim na ang naiulat na mga tinamaan ng paputok.

Kabilang dito si Alondra De Jesus na tinamaan ng whistle bomb sa kanyang kaliwang balikat habang natutulog ito sa kanyang bahay.

Swerte namang hindi masyadong malala ang tinamo nitong sugat.

Ilan sa mga isinugod pa rito ang ay isang menor de edad na lalaki matapos itong tamaan ng paputok sa kaliwang mata.

Bukod sa mga nabiktima ng paputok ay mayroon ding isinusugod dito na mga biktima ng aksidente at mga nahihirapang huminga dahil nakalanghap ng usok ng paputok.

(Leslie Huidem / UNTV Correspondent)

Tags: ,