Bilang ng mga manok na namatay dahil sa New Castle Disease sa Nueva Ecija, umabot na sa dalawang daan at tatlumpung libo

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1841

DANNY_MANOK
Umabot na sa 230,000 mga manok ang namamatay dahil sa sakit na New Castle Disease o NCD sa buong probinsya ng Nueva Ecija simula noong buwan ng Nobyembre hanggang ngayong Pebrero.

Ayon kay Provincial Veterinary OIC Dr. Jun Romero, mula sa 2 milyong populasyon ng backyard chicken sa buong probinsya 10 porsyento lamang o katumbas ng 230,000 na mga manok ang namatay sa nasabing sakit.

Sinabi ni naman ni Dr. Romero na walang dapat ipangamba ang mga mamimili sa pagkalat ng sakit na ito dahil hindi naman aniya apektado ang mga poultry farm dahil sa maagang pagbabakuna sa mga manok.

Samantala,nakatakda nmang magsagawa ang Bureau of Animal Industry ngayong linggo sa Palayan city ng mga training at seminar hinggil sa pagbabakuna sa mga manok na apektado ng New Castle Disease sa mahigit 800 barangay sa lalawigan.

(Danny Munar / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,