METRO MANILA – Simula nang manungkulan si Pangulong Duterte, mahigit limangpung permits na ang naibigay nito sa mga negosyanteng nais magtayo ng gaming and gambling centers sa bansa. Dagdag pa rito ang mga negosyanteng Chinese na patuloy na nagtatayo ng ibang negosyo.
Ilan lang ito sa pangunahing dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga Chinese national na dinadala at nagpupunta sa bansa para mag trabaho.
Malaking porsyento sa population ng mga nagtratrabahong Chinese ay mula sa games and gambling industry. Habang wala pang konkretong data ang Bureau of Immigration (BI) sa tala ng gaming employers, aabot sa mahigit dalawang daang empleyado ang nagtratrabaho sa gaming industry.
Sa kabila nito, hindi naman nababahala ang BI dahil patuloy naman ang pakikipag-ugnayan nila sa gobyerno ng China. Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Chinese nationals, tumataas din presyo ng real estate properties sa kalakhang Maynila.
Kung pagbabatayan ang 2017 statistics ng BI, aabot sa mahigit dalawang milyon ang foreign arrivals pero hindi tukoy rito kung ilan ang mula sa turismo, trabaho at negosyo.
Ulat ni JL Asayo / UNTV News
Kuha ng Photoville International
Tags: Bureau of Immigration, Chinese national, Pangulong Duterte