Bilang ng food boxes para sa mga biktima ng bagyong Florita, sapat – DSWD

by Radyo La Verdad | August 24, 2022 (Wednesday) | 6991

METRO MANILA – Sapat ang bilang ng mga naka-standby na pagkain para sa mga biktima ng bagyong Florita.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, nasa 100,000 food boxes ang naka-preposition na sa Ilocos Region at Cagayan Valley na pinaka-apektado ng bagyo.

Mino-monitor na rin aniya ng DSWD ang iba pang lugar na apektado ng severe tropical storm, kabilang na ang probinsya ng Isabela.

Tags: ,