Biktima ng vehicular accident sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 15, 2016 (Tuesday) | 1000

lalaine_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking biktima sa banggaan ng motorsiklo at mitsubishi lancer sa B.S. Aquino Drive, Brgy. Villamonte, Bacolod City pasado alas onse kagabi.

Kinilala ang biktima na si Steve Diones, bente tres anyos na nagtamo ng gasgas sa kaliwang siko at posibiling pagkabali sa kaliwang balakang matapos matumba ang sinasakyang motorsiklo.

Ayon sa biktima paliko na siya nang biglang tumama sa kanyang hulihan ang mitsubishi lancer.

Sa lakas ng pagkakabanga, natumba ang motorsiklo at nayupi ang unahang bahagi ng sasakyan.

Agad namang nilapatan ng grupo ng paunang lunas ang biktima

Samantala matapos mabigyan ng first aid ay tumanggi naman na itong magpadala sa ospital.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: ,