Biktima ng pambubugbog sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 1314

GRACE_TMBB
Inabutan ng UNTV News and Rescue Team sa police station 1 ang isang lalakeng sugatan matapos bugbugin sa Upper Magsaysay, Baguio City noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Jeremy Balugan, disiotso anyos at residente ng Sabangan Mountain Province.

Nagtamo si Jeremy ng pamamaga ng likod ng kaliwang tenga, kaliwang pisngi at pagdurugo ng ilong.

Agad namang inaassess ng grupo ang kalagayan nito at binigyan ng pangunang lunas.

Ayon sa pinsan ng biktima, nagba-bar-hopping ang mga ito nang mangyari ang insidente.

Matapos mabigyan ng first aid ay tumanggi nang magdala pa sa ospital ang biktima.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: