Biktima ng motorcycle accident sa Quezon city, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | October 12, 2015 (Monday) | 1544

reynante_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang isang lalaki biktima ng motorcycle accident sa Corner Banawe St. sa Quezon avenue alas dose kuarentay singko kaninang madaling araw.

Nakahiga pa sa daan ng datnan ng grupo ang biktima na kinilala na si Gerry Versoza, 28 anyos na residente ng Barangay Manresa sa Quezon city.

Tiningnan muna ang kalagayan ng biktima kung saan nagtamo ito ng mga sugat sa siko, braso at tuhod at idinadaing din nito pananakit ng kanyang ulo.

Agad chineck ang mga vital signs at nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue team ang mga sugat ng biktima.

Pagkatapos malapatan ng first aid ay mabilis na siyang isinugod sa East Avenue Medical Center para sumailalim sa eksaminasyon ng doktor

Ayon sa ilang bystander sa lugar bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na kalabog sa kalsada at doon nakita ang lalaki na nakabulagta na sa daan.

Agad naman silang humingi ng saklolo sa otoridad para marescue ang biktima sinubukan naman namin kunin ang salaysay ng biktima ngunit hindi na ito makausap ng maayos at nasabi niya na galing umano siya isang party.(Reynante Ponte/UNTV Correspondent)

Tags: , ,