Biktima ng motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 24, 2016 (Monday) | 1239

jerico_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle rider na naaksidente sa north bound lane ng EDSA, Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Nagtamo ng mga gasgas sa mga braso at tuhod ang biktima na kinilalang si Hermejun Galicha.

Iniinda rin nito ang pananakit ng balakang.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng biktima.

Pagkatapos ay dinala na ng grupo sa Manila Central University o MCU Hospital ang biktima kasama ang asawa nito na agad dumating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente matapos tawagan ng UNTV News and Rescue.

Kwento ng biktima, pauwi na sana siya mula sa isang handaan at binabagtas ang kahabaan ng EDSA north bound nang biglang malubak ang harapang gulong ng kaniyang motorsiklo.

Nawalan aniya siya ng kontrol na naging sanhi upang tuluyang matumba ang motor.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: ,