Biktima ng motorcycle accident sa Nueva Ecija, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 1, 2016 (Tuesday) | 1012

grace_tmbb
Papauwi na sana sa kanilang bahay si Rodrigo Taghap, 36 anyos, nang bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang kotse pasado alas siete kagabi sa kanto ng Barangay Luna sa Cabanatuan City.

Nagtamo ang biktima ng malalim na hiwa sa kanang pisngi at gasgas sa kanang kamay.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng biktima.

Tumanggi na itong magpadala sa hospital o magpahatid sa kanilang tahanan kaya naman hinintay na lamang ng grupo na sunduin ito ng kaniyang mga kaanak.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagkabanggaan ang magkasalubong na kotse at motorsiklo sa kanto ng Barangay General Luna.

Aminado naman ang motorcycle rider na nakainom ito ng alak bago ang aksidente. Wala namang tinamong pinsala sa katawan ang driver ng kotse na tumanggi nang magbigay ng pahayag.

(Grace Doctolero / UNTV Correspodent)

Tags: ,