Biktima ng motorcycle accident sa Cabanatuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 7, 2016 (Wednesday) | 1349

nueva-ecija-tmbb
Nakahiga sa kalsada at halos hindi na makatayo dahil sa idinadaing na pananakit ng katawan at mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang motorcycle rider na si Alvin Flaviano nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy. Lourdes Cabanatuan City, Nueva Ecija pasado alas dose bente singko kaninang madaling araw.

Agad nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV Rescue si Flaviano at saka inihatid sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center.

Ang kasama naman ni Flaviano na si Amang Flores ay nauna ng isinugod ng mga residente malapit sa pinangyarihan ng aksidente sa ospital.

Samantala, nadamay rin ang isang tricycle sa nangyaring aksidente.

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng tricycle.

(UNTV News)

Tags: ,