Biktima ng hit and run sa Mandaue City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 14, 2016 (Wednesday) | 2938

tmbb-marlon
Isang babae na biktima ng hit and run ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy Bakilid, Mandaue City pasado alas sais gabi ng Martes.

Nagtamo ng galos sa kanang paa ang biktima na si Grace Pareja at idinadaing ang pananakit ng kanyang paa at hita.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ni Grace at nilagyan ng splint ang deformity.

Pagkatapos ay dinala ng grupo si Grace sa Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa karagdagang atensyong medical.

Ayon kay Grace patawid siya sa A.S Fortuna St. ng mabangga ng isang motorsiklo.

Tinulungan pa siya ng driver ng motor na makatayo ngunit nagmadaling umalis nang makita ang paparating ang traffic police ng Mandaue City.

(Marlhon Abique/UNTV Radio)

Tags: ,