Biktima ng hit and run sa Tarlac City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 1227

BRYAN_TMBB
Nakaupo pa sa gitna ng kalsada at hindi maigalaw ang kaliwang paa nang datnan ng UNTV News and Rescue Team ang lalakeng ito sa Barangay Mabini Tarlac City, mag aalasdos ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang biktima na si Randy Cortez, tatlongput dalawang taong gulang at residente ng Padapada, Sta. Ignacia, Tarlac.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang mga tinamong sugat ng biktima sa talampakan, gasgas sa kamay at posibleng bali sa kaliwang hita at kanang kamay.

Ayon sa mga nakakita, sakay ng motorsiklo si Cortez habang binabagtas ang Ninoy Aquino Boulevard nang mabangga ito ng puting pick up truck.

Hindi naman nakuha ang plate number nito dahil madilim sa lugar.

Samantala matapos bigyan ng first aid ay isinakay na ang biktima sa ambulansya ng rumesponde ring Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang dalhin sa Tarlac Provincial Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

(Bryan Lcanlale / UNTV Correspondent)

Tags: ,