Biktima ng banggaan sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 27, 2017 (Monday) | 1320


Pananakit ng leeg at pagkahilo ang daing ni Mark Pangandaman, driver ng isang toyota innova na naaksidente sa Cagayan de Oro noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa isang nakasaksi sa pangyayari, binabagtas ng Toyota national highway sa bahagi ng Brgy. Kauswagan.

Ngunit pagdating sa intersection ay diretso pa rin ang takbo nito kahit na naka-stop signal na ang traffic light.

Kaya naman nabangga ito ng papalikong taxi.

Agad namang sinuri ng UNTV News and Rescue Team ang vital signs ng biktima at nilapatan ng paunang lunas ang mga tinamo nitong pinsala.

Pagkatapos nito ay tumanggi nang magpadala sa ospital ang biktima.

Samantala, ligtas naman ang driver ng taxi at walang tinamong pinsala.

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

Tags: , ,