Big-time Oil Price Hike, inaasahang ipatutupad bukas, June 25

by Radyo La Verdad | June 24, 2024 (Monday) | 8743

METRO MANILA – Magkakaroon muli ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong
petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes, June 25.

Batay sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaaring tumaas ng P1.60 hanggang P1.80 ang presyo ng kada litro ng Diesel.

Magkakaroon din price hike na aabot sa P1.30 hanggang P1.50 ang kada litro ng gasolina.

Samantalang sa Kerosene naman, inaasahan ang malakihang taas presyo na aabot sa P1 hanggang P1.20 kada litro.

Mamaya, iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad nila bukas.

Ayon sa industry players, bunsod pa rin ito ng pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.

Nakakaapekto rin sa bigtime oil price hike ang nangyayaring digmaan sa iba’t ibang bansa partikular sa bandang Middle East.

Tags: