Bidding para sa voter registration verification project, sinimulan na ng Comelec

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 3482

Sinimulan na ng Comission on Elections (Comelec) ang bidding para sa kukuning voter registration verification system.

Apat na kumpanya ang nagpahayag ng interes na sumali sa bidding kabilang ang Smartmatic.

Matagal ng plano ng Comelec na magkaroon ng voter verification system upang maging automated na rin ang pagberipika sa botante.

Matatandaang una nang nagpatupad ng biometrics registration ang Comelec sa mga botante pero dahil walang voter verification mano-mano pa rin ang ginagawang pagbeberipika ng poll body sa rehistro ng mga bumoboto.

Target ng komisyon na maipatupad ang voter registration verification project sa darating na 2019 midterm elections.

 

 

Tags: , ,