Bicol Region, apektado ng LPA

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 2589

Apektado pa rin ng low pressure area (LPA) ang Bicol Region kung saan makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa lugar.

Namataan ang LPA kaninang ika-3 ng umaga sa layong 485km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, maliit pa rin ang posibilidad na maging bagyo ang LPA.

Samantala, apektado parin ng habagat ang hilaga at kanlurang bahagi ng Northern Luzon.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, CAR, Batanes and Babuyan Group of Islands.

Malaking bahagi ng araw sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon subalit may posibilidad pa rin ng pagkakaroon ng biglaang pag-ulan o thunderstorms.

 

 

Tags: , ,