Benhur Luy, tumestigo laban kay dating Cagayan De Oro Rep. Constantino Jaraula kaugnay ng Pork Barrel Scam

by Radyo La Verdad | April 25, 2017 (Tuesday) | 6277


Tumestigo si Benhur Luy laban kay dating Cagayan De Oro Rep. Constantino Jaraula kaugnay ng kasong graft sa Sandiganbayan.

Si Jaraula ay nahaharap sa mga kasong malversation, graft at direct bribery dahil sa pagkamal umano ng P50.5 milyong halaga ng kickback mula sa kaniyang pork barrel.

Napunta ang Pork Barrel Fund ni Jaraula sa mga pekeng NGO’s ni Janet Lim Napoles.

Nanindigan si Jaraula na ang mga endorsement letter para sa mga pekeng NGO’s ay pineke lamang upang siya ay makasuhan.

Tags: , ,