BBM-Sara tandem, nangunguna pa rin sa presidential at vice presidential race

by Radyo La Verdad | May 11, 2022 (Wednesday) | 7037

METRO MANILA – Nangunguna pa rin ang BBM-Sara tandem sa presidential at vice presidential race.

Batay sa partial, unofficial tally ng Comission on Election (COMELEC) kaninang pasado alas-4 ng madaling araw, umabot na sa mahigit 31-M ang nakuhang boto ni former Sen. Bongbong Marcos.

Malaki ang lamang nito kay Vice President Leni Robredo na may 14.8 million votes.

Pasok naman sa top 5 sina Sen. Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno Domagoso at Sen. Ping Lacson.

Samantala sa pagka-pangalawang pangulo naman, nakakuha na ng 31.5-M votes si Mayor Inday Sara Duterte.

Napakalaki rin ng agwat nito kay Sen. Francis Pangilinan na may mahigit 9-M na boto.

Sumunod naman sa listahan sina Sen. Tito Sotto, Doc Willie Ong at Congressman Lito Atienza.

Tags: