Bawas-singil sa kuryente ipatutupad ng Meralco ngayong buwan

by Radyo La Verdad | July 11, 2023 (Tuesday) | 4254

METRO MANILA – Magpapatupad ang power distributor ng bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo.

Base sa anunsyo ng Meralco, bababa ng P0.72/kwh ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Nangangahulugan ito na mababawasan ng P144 ang babayarang bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa 1 buwan

P216 kung 300 kilowatt hour, P288 kung 400 kilowatt hour, at P360 na bawas kung umaabot ng 500 kilowatt hour ang konsumo.

Ayon sa Meralco ang bawas-singil sa kuryente ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng generation charge.

Tags: ,