Batas-militar, inaming pinag-isipang ipatupad ni Pangulong Aquino sa Sulu

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1349

AQUINO
Inamin ni Pangulong Benigno Aquino the third na pinag-isipan nitong ipatupad ang batas militar sa Sulu, tatlong linggo na ang nakakaraan dahil sa karahasan ng Abu Sayyaf Group o ASG.

Subalit hindi niya ito itinuloy na ipatupad dahil maaari aniya itong magbunga ng negatibong resulta.

“May assessment na ang dami nating pwersang gagamitin, just to implement martial law here which might, walang guarantee na magkakaroon ng positive result, baka magkaroon pa ng negative result, baka magkaroon ng dagdag na simpatya sa mga kalaban.”
pahayag ni Pangulong Aquino.

Samantala, sinabi rin ni Pangulong Aquino na hindi siya magbibigay ng payo kay incoming President Rodrigo Duterte dahil hindi naman aniya ito humihingi ng payo sa kaniya.

Sa ngayon aniya ay ginagawan na lamang niya ng solusyon ang iba pang problemang kailangang ayusin upang hindi na maipasa sa susunod na administrasyon.

(UNTV NEWS)

Tags: