Bataan, nakatakdang ideklarang kauna-unahang drug-free province sa bansa

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 1731

psupt-ilo
Posibleng ideklara na sa mga susunod na araw ang Bataan bilang kauna-unahang drug-free province sa bansa.

Ito ay matapos sertipikahan ng 237 chairmen ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC Council ang katibayang nasugpo na ang iligal na droga sa lalawigan.

Ipadadala naman ang manifesto sa Malakanyang kapag napirmahan na ng gobernardor ng lalawigan, Police Regional Office 3 Director at PDEA Central Luzon.

Inaasahan namang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na pagdideklara sa Bataan bilang drug-free province.

Tags: ,