Isang labing isang taong gulang na bata sa Bulacan ang umano’y nagpakamatay matapos maglaro ng online game na “Momo Challenge.”
Ang naturang laro ay may peligro sa mga bata dahil mayroong ipinagagawang chellenge o inuutusan ang mga bata na saktan ang kanilang sarili hanggang sa humantong sa pagpapakamatay.
Ayon kay Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang mga magulang ang nasa posisyon para i-monitor ang online activity ng kanilang mga anak para mapigilang ma-engganyo sa mga “suicide games.”
Dagdga pa ni Albayalde , sa eskwelahan ang mga guro naman ang makatutulong para i-report ang kakaibang kilos ng mga mag-aaral lalo na kung ito ay nagpapakita ng suicidal tendencies para agad na maagapan.
Tags: Momo Challenge, Online game, Suicide game