Muling pinabulaanan ni Senator Antonio Trillanes IV na mayroon siyang bank account sa DBS Bank Singapore at ito aniya ay napatunayan niya nang magtungo siya roon kamakailan.
Sa kaniyang privilege speech kahapon, bumuwelta ang senador at sinabing peke pa rin ang bagong inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo na umanoy bank recodrs niya.
Galing umano ito sa isang nagngangalang Daniel “Snooky” Cruz na sinasabing malapit sa mga miyembro ng gabinete.
Si Cruz din aniya ang nag-imbento ng pekeng bank accounts ni Senator Leila de Lima noong nakaraang taon.
Muli ring binalikan ng Senador ang umanoy bank transactions ni Pangulong Duterte noong mayor pa lamang ito.
Mula September 2006 hanggang December 2015, umabot umano sa mahigit 2 billion pesos deposits at withdrawals nito.
Isa umanong Sammy Uy ang nagbibigay ng milyon milyong piso sa Pamilya Duterte at posibleng ito rin ang nagbibigay kay Pangulong Duterte.
Nirefer na ang privilege speech ng senador sa Blue Ribbon Committee upang imbestigahan.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: bank accounts records, Pangulong Duterte, Senator Trillanes IV