Duguan at nakatulala ang dalawang biktima nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa Maharlika Highway del Pilar Street sa Cabanatuan kaninang hatinggabi.
Sugatan ang dalawa matapos maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep.
Kinilala ang mga biktima na sina Merly dela Cruz, 52-anyos, na nagtamo ng malalim na sugat sa kanang kilay, habang ang 67-anyos namang si Federico Estigoy ay nagtamo ng sugat sa kanang binti.
Ayon sa asawa ni Estigoy, pauwi na sana sila mula sa bayan ng General Natividad nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang isang pulang kotse na minamaneho ng isang Cornelio Juvan.