Bahay ng dating alkalde ng Arayat, Pampanga, sinalakay ng CIDG

by Radyo La Verdad | February 15, 2017 (Wednesday) | 1645


Pasado alas quatro kaninang madaling araw ng salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group ang bahay ni former Arayat Pampanga Mayor Luis Espino.

Kasama ng CIDG ang Special Action Force nang magsagawa ng operasyon sa Alonzo Subdivision, Barangay Mangga,Cacutud.

Ayon sa CIDG, napag-alaman na may mga illegal firearms and explosives si espino kaya nila ito inaresto.

Kasama ring hinuli ng CIDG ang apat na kasamahan ng dating alkalde kabilang na ang kapitan ng barangay.

Nasugatan naman sa operasyon ang isang miyembro ng SAF matapos manlaban ang kampo ni Espino.

Ayon sa mga residente, malalakas na putok ng baril ang kanilang narinig.

Bumungad din sa kanila ang dalawang armored personnel carrier.

Hindi naman makapaniwala ang pamilya ng dating alkalde sa ginawang pag-aresto ng mga otoridad.

Dinala na sina Espino at mga kasama nito sa opisina ng CIDG sa Angeles City.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,