Sa halip na magbakasyon nitong long weekend, minabuti ng ilan sa ating mga kababayan sa Bulacan na manatili na lamang sa kani-kanilang bahay upang maglinis.
Ito ay dahil sa iniwang basura at putik ng ilang ng araw na pagbaha sa lugar.
Nitong nakalipas na buwan, kabilang ang lalawigan sa naapektuhan ng magkasunod na Bagyong Karen at Lawin.
Ayon sa ilang mga residente, nagdesisyon sila na huwag nang magtungo sa sementeryo at sa halip ay sinupin na lamang ang mga kagamitan at maglinis ng kapaligiran.
May ilang lugar naman sa Bulacan na hindi pa rin tuluyang humuhupa ang baha tulad na lamang sa Barangay Bulusan at San Jose.
Samantala, nananawagan naman sa lokal na pamahalaan ang mga residente dito sa Bulacan na malapit sa Pampanga river na mapataasan ang kalsada sa kanilang lugar upang hindi madaling bahain tuwing tag-ulan.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)