Bagyong Samuel, palalayo na ng bansa

by Radyo La Verdad | November 22, 2018 (Thursday) | 20731

Papalayo na ang Bagyong Samuel sa bansa. Kaninang madaling araw naglandfall na ang Bagyong Samuel sa Roxas, Palawan.

Namataan ito ng PAGASA sa layong 90km sa north ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45km/h at pagbugso na aabot sa 65km/h. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25km/h.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal #1 sa Palawan kasama na ang Calamian Group of Islands.

Nakakaranas pa rin sa lugar ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Ayon sa PAGASA, ngayong gabi o bukas ng umaga ay maaaring lumabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo.

Samantala, makakaranas din ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mindoro Provinces, Marinduque at Antique dahil pa rin sa epekto ng trough o extension ng Bagyong Samuel.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng good weather na may posibilidad ng pagkakaroon ng thunderstorms.

 

 

Tags: , ,