Napanatili ng Bagyong Samuel ang taglay nitong lakas habang papalapit sa bansa. Namataan ito ng PAGASA kaninang alas dos ng hapon sa 260 kilometers sa silangan ng Maasin City, Southern Leyte.
Taglay ni Samuel ang lakas ng hangin na 55km/h at pagbugso na aabot sa 65km/h. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20km/h. Nakataas pa rin sa ngayon ang tropical cyclone warning signal #1 sa 31 lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Makakaranas sa mga nasabing lugar ng pag-ulan at pagbugso ng hangin.
Ayon sa PAGASA, posibleng tumama sa Dinagat-Samar-Leyte area ang sentro ni Samuel mamayang gabi.
Makakaranas din ng malawakang pag-ulan sa Bicol, Marinduque at Romblon. May papulo-pulong pag-ulan din sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Tags: Bagyong Samuel, PAGASA, Southern Leyte