Bagyong Paolo, napanatili ang bilis at lakas

by Radyo La Verdad | October 19, 2017 (Thursday) | 2068

Napanatili ng bagyong Paolo ang lakas at bilis nito habang tinatahak ang direksyong patungong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 16 kilometers per hour.

Sa monitoring ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Paolo sa layong 830 kilometers silangan ng Legaspi City, Albay.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugsong nasa 145 kilometers per hour.

Wala namang babala ng bagyo na nakataas sa bansa ngunit inaasahang patuloy itong magdudulot ng mga pag-ulan sa Bicol region.

Gayundin sa Eastern Visayas, Caraga, Souther Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Tags: , ,