Lumakas pa ang Bagyong Paeng na kaninang alas tres ng madaling araw ay namataan ng PAGASA sa layong 1,100km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 170kph at pagbugso na aabot sa 210kph.
Kumikilos ang bagyo pa-west northweast sa bilis na 20kph.
Base sa forecast track ng PAGASA, tatahakin ng bagyo ang direksyong papunta sa dulong hilagang Luzon at Taiwan.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa subalit sa Huwebes ay posibleng itaas ang babala ng bagyo sa Batanes at mga karatig isla nito.
Makakaranas naman ng good weather ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw subalit may mga oras na magkakaroon ng papulo-pulong pag-ulan.
Tags: Bagyong Paeng, Cagayan, PAGASA