Bagyong Paeng, lalabas na ng PAR bukas

by Radyo La Verdad | September 28, 2018 (Friday) | 1501

Mabagal pa rin ang usad ng Bagyong Paeng subalit bukas ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ng PAGASA ang bagyo kaninang 3am sa layong 695km sa east northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 160kph at pagbugso na aabot ng 195kph.

Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng tahakin ni Paeng ang Japan ngayong weekend.

Makararanas naman ng good weather ang malaking bahagi ng bansa subalit may posibilidad parin ng papulo-pulong pag-ulan.

Mapanganib pa ring pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa northern seaboard ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Luzon at Visayas dahil sa taas ng mga pag-alon na dulot ng bagyo.

Tags: , ,