Bagyong “Kong-Rey”, posibleng pumasok sa PAR ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 1, 2018 (Monday) | 1912

Lumakas pa ang bagyong may international name na “Kong-Rey” habang papalapit ito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA kaninang 3am sa layong 1,565km sa Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 130km/h at pagbugso na aabot sa 160km/h. Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15km/h.

Ayon sa PAGASA, posibleng mamayang hapon ay pumapok na ang bagyo sa PAR at papangalanan itong “Queenie”.

Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng tahakin nito ang dinanan ng Bagyong Paeng at sa Northern Taiwan tumawid ang mata o sentro ni Kong-Rey.

Sa ngayon ay makararanas ng kalat-kalat ng pag-ulan sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa epekto ng trough o extension ng bagyo.

Good weather naman sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa subalit may posibilidad din ng pagkakaroon ng papulo-pulong pag-ulan.

Tags: , ,