Bagyong Chedeng, napanatili ang lakas sa 165kph – PAGASA

by dennis | April 2, 2015 (Thursday) | 1640

APRIL3

CHEDENGSATELLITE

Kaninang 4:00 ng madaling araw, Agust 3, 2015, ang mata ni bagyong “Chedeng” ay namataan sa layong 810 km Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes na may lakas ng hangin na hanggang 165 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 200kph.

Tinatayang gagalaw ito sa direksyong pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, Ang buong kapuluan ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Katamtaman hangang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa mga silangang bahagi ng bansa na may katamtaman hanggang sa maalong karagatan. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa silangan hanggang hilagang –silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

OVER METRO MANILA:
Maximum Temperature: 01:50 PM yesterday —– 34.0 ºC
Minimum Temperature: 02:00 AM yesterday —– 25.0 ºC
Maximum Relative Humidity: 02:00 AM yesterday ——— 80 %
Minimum Relative Humidity: 01:50 PM yesterday ——— 44 %
High tide today: 10:08 AM ……… 0.56 meter
Low tide today: 03:43 PM ……… 0.20 meter
High tide today: 10:09 PM ……… 0.69 meter
Low tide tomorrow: 04:15 AM ……… 0.17 meter
Sunrise today: 05:51 AM
Sunset today: 06:08 PM
Moonrise today: 05:15 PM
Moonset tomorrow: 05:31 AM
Illumination today: 97 %

(source: PAGASA – DOST)

Tags: , , ,