Bagyong Betty, maliit lang ang pinsala sa bansa – NDRRMC

by Radyo La Verdad | May 31, 2023 (Wednesday) | 2790

METRO MANILA – Walang gaanong naging epekto ang bagyong Betty sa bansa.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro kasabay ng pagsabi ng ‘The worst is over.’

Sa ngayon ani Alejandro ay nakalagpas na sa Batanes at palayo na ng bansa ang bagyo.

Ayon kay Alejandro, masaya ang ahensya dahil minimal lang ang pinsala ng bagyo, matapos ang ginawang puspusang paghahanda ng pamahalaan sa epekto ng bagyo.

Gayunman, sinabi ni Alejandro na maganda rin na naipatupad ng maayos ang mga protocol at procedure, at nasubukan ang komunikasyon at back-up system sa paghahanda sa bagyong Betty.

Giit nito, nagsilbing drill ang bagyong Betty para sa paparating na typhoon season na opisyal na magsisimula ngayong Hunyo.

Tags: ,